Saturday, October 30, 2010
special edition.. kwento ng kabataan ko.. (elementary)
skip na natin ang prep at kinder days.. wala ako masyadu maalala sa panahon na yun.. di ko alam.. siguru gawa nun natipus ako nun mga panahon na yun.. kaya kahit anu pilit ko konti memory lang talaga naaalala ko.. masasabi ko isa kang ako ordinaryo bata nun.. mahilig maglaru ng laru kalye.. taguaan.. laruan.. jolen.. batong guyo.. text hindi sa cellphone ha.. dipa uso yun nun yun maliliit na cards na may mga pinoy movies.. mas luma yun movie mas magaling na pamato yun.. hehe.. turumpo na punong puno ng thumbtaks at laruan na puro turnilyo.. si hulk ang pamato ko nun.. nun grade 1 ako.. abakada uso sa skul nun.. section 1 ako nun kahit hindi halata.. actually hangan grade 6 naman.. pilot section pa.. lagi ako may dala coolman nun red and blue ang kulay.. natatangal yun baba lalagyan ng burger.. kaya siguru hangan ngeyun adik na adik ako sa burger grade 1 pa lang pinapalamun na ko nun.. piso pa lang pamasahe sa trycycle nun.. biruin mu yun.. ngeyun 10 na.. gupit bao ako mula grade 1 hanagn grade 3.. grade 4 na lang ako natauhan na di pala maganda ang gupit bao gawa nun palabas na hulyo at hulya ang kambal ng tadhana.. unti unti nadin pati nila ako inaasar na hulyo nun.. lagi naka skul uniform mataas na medyas at black shoes.. kelanagn imaintain ang image ng 1st section.. kahit bata pa lang ako ayaw ko nun nakabalat na sapatos.. kaya naiingit ako sa mga lower section pede sila magrubber or tsinelas.. di ko maisuot yun sapatos ko na umiilaw kapag humahakbang.. at ang wlang kamatayan na mighty kid.. peru nararanasan ko din naman magstinelas kapag malakas ang ulan or baha.. yun hallway kasi papunta grade nagbabaha.. nakakapagsuot ako ng tsinelas.. rambo tsinelas ko nun yun makapal isa o dalawa taon bago maupod.. peru sa kasamaan palad nawala ang tsinelas ko na yun tinagu ng mga klasmeyt ko tapos nawala na dun sa pinagtaguan nila.. di ko na lang sila pinansin yun teacher ko na nagsalita sa kanila.. yun nga lang kulang ng isa tsinelas ko nun umuwi ako.. kapag recess naman may umiikot na bilao sa rum.. may mga pagkain na hindi mo masasabi na dapat kainin.. hehe.. sumon na one week na yata ang mabenta dun.. no choice kelangan mu bumili eh.. required yata.. bata pa eh.. kung anu sabihin ng teacher susundin grade 2.. wala pagbabago.. ganun padin tahimik lang ako nun 1 and 2.. patay na bata ba sa skul.. kung di ako papansinin di ako magsasalita.. grade 3.. yan dyan na ko nagsimula maging elementary talaga.. puro kalokohan nahawa na sa mga klasmeyt.. kapag wala teacher namin isa isa kami tatakas.. ayaw kasi namin malipat sa iba section.. mayayabang tingin samin ng mga lower section eh.. kaya lagi kami inaaway.. naranasan ko na magtago sa lalagyanan ng walis yun parang kabaong para lang di makita ng teacher na kukuha samin..may manyak ako klasmeyt nun grade 3 pa lang eh malibog na.. hehe.. naglalagay ng salamin sa sapatos tapos itatapat sa palda ng mga babae para makita yun panty.. ahahaha.. tapos kinabukasan halos lahat ng lalake may dala na basag na salamin.. ah.., eh.. di ako nagdala nanghiram lang.. ahahaha..dun din ako una nagka crush.. love team kami actually sa room.. peru iba klase love team.. lagi kami magkaaway.. hehe.. mahaba pa kwento namin hangan highskul pa yan.. naging varsity din ako ng baseball nun hangan grade 4.. dyan na nagsimula pagpaparusa ko sa katawan ko.. hehe.. grade 3 din nun sinapian daw ako.. nanigas ang kamay ko nun sa room.. iyak lang ako ng iyak kahit sila mam di nila magalaw yun kamay ko sa sobra tigas.. sabi naduwende daw gawa nun nagtapon kami ng basura dun sa tapunan eh dun lang sa sulok namin hinagis.. ewan.. tapos nun umuwi ako nawala na yun.. lapitin talaga ako nun bata ako.. maynagaalaga nga daw sakin tikbakang eh.. lagi kasi ako nilalagnat nun.. nakakakita at nakakaramdam ako ng mga bagay bagay then after nun nilalagnat na ko.. pinaliguan nga ako dati ng holy water eh.. peru gusto gusto ko talaga ng mga nakakatakot na bagay.. bata pa lang.. kaya di ako natatakot nun kahit ganun.. grade 4.. una ko naranasan mahubuan sa klase.. grade 4 din ako nagpatuli.. kaya nun nahubuan ako namangha ang mga supot.. ahaha.. yun student teacher pa naghubo sakin.. siguru gusto nya lang makita.. noisy daw kasi ako.. eh naghingi lang ako ng papel nun.. hehe.. una beses ko din gumawa ng love letter nun.. sa grade 6 ko binigay.. crush na crush ko kasi talaga yun.. peru nabasted yata ako ng wala sabi sabi.. hehe.. madami ako love team nun grade 4.. ewan ko dami pinapareha sakin.. di lang naman ako lalake sa room.. oh ako lang kaya nila pagtripan.. yun kaklase ko at kapitbahay ko dati halos pinagkasundo na kami ng mga magulang namin nun time na yun.. nagkakagustuhan na lang kami sa kakaasar samin ng mga magulang namin yun nga lang lumipat na sila nun grade 5.. but di padin kami nawalan ng communication.. niligawan ko pa nga sya nun 2ndyear college ako.. hehe.. kasu di nagwork.. bc parehu and ayoko pumunta sa calamba 4 na beses sa isa lingo yun demands nya eh.. hehe.. grade 5.. masyadu na ko active neto.. varsity ng sepak.. praktis halos araw araw.. varsity din ng basketball.. kaya binitawan ko na ang baseball nun.. lagi ako wala sa room ng time nato.. gawa ng praktis at mga laban.. tapos kasali pa ko sa boyscout.. 1week sa PLtc training.. 2weeks sa jamboree.. kaya madami ako natutunan sa panahon na to.. hahaha.. 1sttym ko din nagka gf.. grade 6 yun gf ko.. oh hot damn sya nun.. isa sa pinaka maganda sa elem.. nakatsamba pa.. hehe.. di ko sya niligawan.. ehem.. sya lumapit sakin.. kaya sungab na agad.. yabang eh nuh.. cute ako nun bata nuh.. ngeyun di ko na alam.. ahahaha.. kaya selos na selos yun kalove team ko na kaaway ko.. gusto ko talaga sya.. kasu yun nararamdaman namin sa isat isa sa away namin dinadaan.. wala gusto umamin na gusto namin isat isa.. isa beses lang yata kami nagkausap ng ayus nun.. pinagusapn namin kung masaya daw ako sa gf ko.. napa HUH?? na lang ako.. bakit yun tanung nya.. tapos bigla sabi gusto nya na din magkabf.. sabi ko madami may gusto sakanya sa rum at may mga nanliligaw.. ayaw daw nya sa kanila.. nun tinanung ko sinu gusto nya.. ewan parang nagkahiyaan kami nun tapos umalis sya.. kinabukasan.. away na naman kami.. hehe.. dyan ko din naranasan ang first kiss at first touch.. hehe.. grabe pa nun pinapunta ako ng gf ko sa tropa nya.. eh pakiramdam ko amuy pawis ako.. binuhos ko sa katawan ko yun alcohol.. ahaha.. amuy ospital daw ako sabi nya.. dyan din ako una nasuntok.. kasi may nanliligaw dun sa gf ko bagu naging kami.. eh siga sigaan yun sa skul.. ayun sinuntok ako.. sabay tumakbo.. di nakabawi.. asar.. grade 6.. seryoso na ko dito.. aral aral aral.. peru varsity padin.. sumali din ako sa knights of the altar.. makadyos.. hehe.. masya to grade 6 na to eh.. dami nanyari.. crush na crush ako nun teacher ko nun grade 6 gawa nun mata ko.. si pungay ang tawg sakin.. kaya naasar ako lagi ako tinatawag sa klase.. nagchoir din ako dito.. dito nadin nagsimula yun problema ko sa mga babae.. hehe.. dito ako namulat talaga sa dulo ng kamunduhan.. mga matured ang klasmeyt ko nun elem eh.. mga manyakis pa yun tropa ko lalake.. nagjamboree din kami sa batangas nun.. masya yun di ko makakalimutan.. nagbirthday ako na di ko kasama sila mama nun kaya di ko makakalimutan yun.. hehe.. umiyak ako nun... syempre di ko pinakita sa mga kasama ko.. di din ako naattend ng flag ceremony nun grade 6.. nagpapaiwan ako sa rum kapag baba na sila.. sabi ko nagsasawa na ko kasi paulit ulit lang.. prayer.. bayang magaliw.. panatang makabayan.. exercise kaya pagpasuk sa rum mga amuy pawis na agad..mahilig na ko sa mga rock music nun.. buong elem ko namulat ako sa eheads.. sa guns snd roses.. metallica,, the dawn.. sa REm sa queen.. kaya maka oldskul talaga ako eh.. may isa hiphop ako gusto si francis M.. idol talaga yun.. lagi padin kami magkaaway nun loveteam ko.. mas lalu kami nagmahalan nun kasi nagbabatuhan na kami ng gamit.. lagi kasi kami magkasam sa cleaners di pa kami nagkahiwalay nun sa cleaners mula grade 1.. hilig ako utusan magtapon ng basura.. eh hilig ko naman hindi sya sundin.. hehe.. kahit nun graduation inirapan nya lang ako.. hehe.. masaya ang buhay elementary.. wala pa problema.. puro saya lang.. pagtuklas sa mga bagay.. ang sarap balikan ng kabataan.. lalu pinapamuka sau na matanda kana.. hehe..
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment