Friday, November 12, 2010

plano ko sakupin ang mundo..

bata pa lang ako nabuo na sa isip ko na anu kaya kung ako may kontrol ng mundo?? lagi ako naglalaro ng mga laruan nun na sundalo.. yun kulay green na maliliit na parang may surfboard para tumayo.. tuwing weekends yun lang ginagawa ko maghapon nun bata ako.. lagi ko sinasakop nun ang mga ibang bansa sa paglalaro ko.. minsan ibang mundo pa.. siguro naging epekto to kakapanod ko ng voltes V.. bioman.. daimos.. power rangers.. . bt'x at madami pa.. ( halatang batang 90's ) lagi gusto sakupin ng mga kalaban ang planet earth.. pero hindi naman lagi ko gusto maging kalaban.. sinubukan ko din maging bida gawa ni shider.. ang pulis pangkalawakan.. nun bata ako pinangarap ko yan paglaki ang maging pulis pangkalawakan.. kaya lagi ako inaasar ng mga kainuman ng erpatz ko nun..peru  hindi nagtagal ang pangarap ko maging bida.. mas gusto ko talaga sinusubukan sakupin ang mundo.. nadala ko ang pangarap ko na yan nun hyskul.. may mga drawings ako na panu sakupin ang mundo.. gumagawa din ako ng komiks na sinasakop ko ang mundo.. saka namimili nadin ako ng magiging reyna ko once nasakop ko na ang mundo.. pero lahat ng plano na yun ay naging plano na lang.. dahil sa paghahanap pa lang ng reyna hirap na hirap na ko.. pano pa ang pagsakop ko sa mundo.. (dun ako nalungkot).. at nang ako ay nagkolehiyo.. lalu tumindi ang pagnanasa ko na sakupin ang mundo.. nagarchitect ako para mas mabilis makagawa ng mga plano.. pero hindi ako nagtagumpay.. peste ang dami math.. gusto ko sakupin ang mundo ayako maging math teacher.. kaya lumipat ako ng iba kurso.. nag IT ako.. technology.. mas mabilis.. hi-tech.. lagi nagbabago.. gagawa ako ng isang computer program na pede magshut down sa buong computer system ng mundo.. tapos saka ko ipapaatake ang mga robots ko mala voltes v at daimos.. gundam nadin bago bago.. hindi makita ng mga radar nila kasi shut down ang buong system nila.. tapos lahat sila luluhod sa harap ko.. bwahahahahahahah... eh kaso iba ang nasakop ko sa college.. mga bote ng redhorse.. tapos ang mga guro pa halata yata na sasakupin ko ang mundo kaya lagi ako iniipit sa grades.. sabi ko na nga ba hindi ako papasok ng lagi nakangiti.. pero siguro isusuko ko na ang pagsakop sa mundo.. isa na lang nakikita ko kasi paraan para masakop ko ang mundo.. maging politician .. kaso mamatay na lang ako kesa gawin ang cheap na bagay na yun.. fuck the politics.. maitulog na nga lang to.. ZzZzZz

No comments:

Post a Comment