Sunday, November 14, 2010
reunion ng tatlo at laban ni pacman..
sabado ng umaga.. nakarecieve ako ng tawag sa isa kung numero.. tumawag si sir dahil uuwi si bum.. syempre ano paba aasahan kundi inuman.. at ang gago si bum 10pm na umuwi.. so super late na nagstart.. tagal din namin di nagsama tatlo.. january pa ang huli.. madami pinagusapan.. balitaan.. tulad ng dati.. barahan with sense.. may bago lovelife si bum.. kaya sya topic.. wala naman bago sakin.. wala din bago kay sir.. sa sobrang pangaasar namin tinulugan kami.. 4am na ko nakauwi.. puyat.. wasted.. but kelangan gumising dahil laban ni pacman.. kahit kada end ng round eh napikit ako.. sobra antok.. but kelangan suportahan ang kapwa pinoy.. kapag may laban lang si pacquiao saka ako nagiging proud na pinoy ako.. kasabay ng laban ni pacquiao kasulukuyan ko din nilalabanan ang antok ko.. but sulit naman panalo si pacman.. ginawang margarin ni pacquiao si margarito.. di na ko nanood pa ng interview sakanya.. gusto ko kasi manatili yun pagiging proud ko sakanya.. ahaha.. di nga dumugo ilong ni pacman sa laban sa interview naman dumugo.. after nun nakatulog na ko ng matiwasay.. 7pm na nagising kaya deym.. anu oras ako tutulog ngeyun.. ah... bahala na..
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment